Thought # 6

Ayoko namamalimos..
Para akong namamalimos..
Nagpuputa..
Nakakadiri..

Hindi ako ito.. Kahit madami akong palpak na desisyon noon, ayoko mawalan ng dignidad.

Sa unang pagkakataon, ang baba ng tingin ko sa sarili ko.
Lumunok na ako nang lumunok ng respeto sa sarili.
Nagpinta ng magandang imahe ng taong patuloy na dumudurog sa akin.
Nakakasuklam.

Masama ba ako?
Kasingsama din nya.

Pero hindi ako ganun. Ayokong maging ganun.

Darating ang panahong makakaya ko. Kakayanin ko. Paglabas mo, Jiren. Pangako. bibigyan ko kayo nila Kuya Jio ng maalwang buhay. Hindi ko kailangang magputa. Di ko kailangang magpaliwanag.

Comments

Popular posts from this blog

How to Unlove Someone You Genuinely Love: Prelude

Thought # 7