Posts

How to Unlove Someone You Genuinely Love: Prelude

Why do you have to unlove in the first place? It is really a stupid thing to do, to be honest. I am here to share my thoughts and feelings. It's up to you to judge or not. I am not sure if I care if you do. I guess, part of unloving is being uncaring. Though I don't owe you any explanation, I want you to understand my reasons. **** Ages after, I got a chance to continue this thought. I took a while because I clung into a stint of hope that possibly I don't have to resort into unloving someone. Going back to my question: Why do you have to unlove in the first place? It's for survival. How can you let someone kill you slowly? Well, that's more figuratively. If the person you genuinely love will be the cause to lose your dreams, aspirations, goals, esteem and even your self, don't you think it is all worth it? It's more of an instinct response than anything else. So much for the reason, let's start figuring out how.

Thought # 12

Paisa lang po.. PUTANG INA!! TANG INANG buhay kong umuulit ulit lang

Thought # 11

God, thank you for blessing me with strength to carry on. Lumabas na po ang resulta nung complaint. I am not rejoicing. In fact, nalulungkot po ako. Kaso lamang may kailangang manindigan at magsabing tama na.

Thought # 10

Why it should always be about him? Sa totoo lang ayoko na magsulat ng tungkol sa kanya. Ayoko na syang isipin. Higit sa lahat, ayoko nang palalimin yung nararamdaman ko para sa kanya. Okay na yung ganitong klaseng pagmamahal. Okay na akong ganitong nibel lang ng pagmamahal. Hindi yung wagas wagas tagos hanggang laman. Nung huling away namin, yung naisip kong ayoko na (marahil gumagalaw at nagdedesisyon ako nun sa panahong masidhi ang aking emosyon.) Eto yung chinat ko sa kanya na binura ko rin kasi palagay ko nung panahon na yun, hindi pa ako handa. Gusto ko lang maitabi ko ang nasulat kong iyon. At eto yun: Ayoko lang na bumyahe kang galit baka mapano ka pa.. Sa totoo lang, tama ka naman sa lahat ng sinabi. Lagi kitang sinisisi kung bakit ako ganito pero ako talaga yung problema. Pasensya na, feel ko di ko na talaga kayang magtiwala. Narealize ko sobrang durog na ako. Di ko nga alam direksyon ko ngayon eh. Anlaki ng insecurities ko. Kapag tumitingin ako sa salamin, di ko na makita ...

Thought # 9

Sa loob ng halos limang buwang hindi pagsusulat, nandito muli ako sa kalaliman ng gabi. Yung totoo, wala akong masulat kasi nawalan ako ng plano. Parang tamad na tamad akong gawin yung mga bagay na gusto kong gawin. Sobrang dami nang nangyari. Una sa lahat, nanganak na ako. yehey. Lagpas apat na buwan na ang aking Jiren. Natapos ko na rin ang pagkuha ng pagiging guro. Napabinyagan na rin si Bochog. Higit sa lahat, ayos na rin kami ng mga magulang ko. Pero bakit ba ako nandito? Siguro, sa parehas pa ring dahilan. Wala pa rin akong lubos na kapayapaan sa puso. Pero in fairness, hindi na ako ganun ka-siraulo sa kanya. Kahit ganun, gusto ko pa ring makawala sa kanya at tuparin ang mga pangarap kong binuo lalo na nung wala pa sya. Erika, kelangan mo na nang checklist. Simulan mo na. Huwag nang puro isip lang at pangarap. Humingi ka ng gabay ng Panginoon. Kaya mo yan, si Lord pa ba.

Thought # 8

Kagabi iyak ako nang iyak. Sa totoo lang, andami kong pinagsisisihan.Syempre, hindi kasama dun si Jiren. Sa lahat ng kapalpakan ko, sila ni Jio ang natitirang tama. Pamilya. Tanga ko talaga. Bakit ko pinagpalit sila? Bakit hindi sila ang pinili ko? Ngayon, walang gustong kumausap sa akin ultimo nanay ko. Andami ko gustong ibahagi sa kanya. Na anlikot ni Jiren. Na patuloy akong nag-aaral. Na dean's lister pa rin ako. Yung mga ganun. Ansakit kasi pakiramdam ko wala na akong pamilyang babalikan. Hindi ako makadais. Hindi ako makalapit. Ang sakit. Sana pagkalooban pa ako ng maraming panahon ng Panginoon para makabawi sa kanila.. Siya. Isang buwan palang kami, nagawa na nya akong lokohin. Antanga ko talaga. Sana nagets ko na nun. Sana lumayo na ako at di nagparamdam. Sana umalis na ako sa buhay nya. Hinayaan ko pa iyong maulit nang maulit hanggang eto mukha na akong tanga. Hindi man sa harap ng iba pero sa sarili ko. Alam kong mukha na akong tanga. Ang baba baba ng tingin ko sa...

Thought # 7

Dear Jiren, Onting onting kembot nalang.. Makakasama mo na si Mimi mo.. I love you so much.. 😘😘😘 Mahal ko kayo nila Kuya Jio.. Promise, sa inyo na lang iikot buhay ko.. Kapag nagkita tayo dami mo kiss sa akin.. Galingan natin ha.. wag maging mahirap sana pagkakapanganak ko sayo.😍😍😍