Thought # 8

Kagabi iyak ako nang iyak. Sa totoo lang, andami kong pinagsisisihan.Syempre, hindi kasama dun si Jiren. Sa lahat ng kapalpakan ko, sila ni Jio ang natitirang tama.

Pamilya.
Tanga ko talaga. Bakit ko pinagpalit sila? Bakit hindi sila ang pinili ko? Ngayon, walang gustong kumausap sa akin ultimo nanay ko. Andami ko gustong ibahagi sa kanya. Na anlikot ni Jiren. Na patuloy akong nag-aaral. Na dean's lister pa rin ako. Yung mga ganun.
Ansakit kasi pakiramdam ko wala na akong pamilyang babalikan. Hindi ako makadais. Hindi ako makalapit. Ang sakit. Sana pagkalooban pa ako ng maraming panahon ng Panginoon para makabawi sa kanila..

Siya.
Isang buwan palang kami, nagawa na nya akong lokohin. Antanga ko talaga. Sana nagets ko na nun. Sana lumayo na ako at di nagparamdam. Sana umalis na ako sa buhay nya.

Hinayaan ko pa iyong maulit nang maulit hanggang eto mukha na akong tanga. Hindi man sa harap ng iba pero sa sarili ko. Alam kong mukha na akong tanga. Ang baba baba ng tingin ko sa sarili ko. Gusto kong intindihin pero wala eh.. Masakit na talaga..

Aanhin ko lahat ng mga materyal na bagay na kaya nyang ibigay sa akin.sa amin. kung hindi nya kayang maging matapat sa akin.

Sa totoo lang, gustong gusto ko nang manganak para makahanap ako ng trabahong hindi ko na kailangang umasa pa sa kanya. Sobrang sakit na. Ayoko na. Sana Panginoon hilumin nyo ang puso ko.. Patawarin Nyo rin po ako sa marami kong kasalanan.

Sana matapos na yung sakit..

Comments

Popular posts from this blog

How to Unlove Someone You Genuinely Love: Prelude

Thought # 7