Thought # 10
Why it should always be about him? Sa totoo lang ayoko na magsulat ng tungkol sa kanya. Ayoko na syang isipin. Higit sa lahat, ayoko nang palalimin yung nararamdaman ko para sa kanya. Okay na yung ganitong klaseng pagmamahal. Okay na akong ganitong nibel lang ng pagmamahal. Hindi yung wagas wagas tagos hanggang laman. Nung huling away namin, yung naisip kong ayoko na (marahil gumagalaw at nagdedesisyon ako nun sa panahong masidhi ang aking emosyon.) Eto yung chinat ko sa kanya na binura ko rin kasi palagay ko nung panahon na yun, hindi pa ako handa. Gusto ko lang maitabi ko ang nasulat kong iyon. At eto yun: Ayoko lang na bumyahe kang galit baka mapano ka pa.. Sa totoo lang, tama ka naman sa lahat ng sinabi. Lagi kitang sinisisi kung bakit ako ganito pero ako talaga yung problema. Pasensya na, feel ko di ko na talaga kayang magtiwala. Narealize ko sobrang durog na ako. Di ko nga alam direksyon ko ngayon eh. Anlaki ng insecurities ko. Kapag tumitingin ako sa salamin, di ko na makita ...