Posts

Thought # 6

Ayoko namamalimos.. Para akong namamalimos.. Nagpuputa.. Nakakadiri.. Hindi ako ito.. Kahit madami akong palpak na desisyon noon, ayoko mawalan ng dignidad. Sa unang pagkakataon, ang baba ng tingin ko sa sarili ko. Lumunok na ako nang lumunok ng respeto sa sarili. Nagpinta ng magandang imahe ng taong patuloy na dumudurog sa akin. Nakakasuklam. Masama ba ako? Kasingsama din nya. Pero hindi ako ganun. Ayokong maging ganun. Darating ang panahong makakaya ko. Kakayanin ko. Paglabas mo, Jiren. Pangako. bibigyan ko kayo nila Kuya Jio ng maalwang buhay. Hindi ko kailangang magputa. Di ko kailangang magpaliwanag.

Thought # 5

Am I bad? Am I bad for ensuring that he will never get the assurance that he is not the only one? Hinding hindi na iikot ang mundo ko sa kanya..pero ganun pa rin naman ang panalangin kong manatili syang tapat sa akin. Kasi hindi ko man ibigay sa kanya nang tuwiran yung assurance na yun, alam ko sa sarili kong sya lang. Na kahit hindi umikot ang mundo ko sa kanya, sila lang ng mga anak ko ang laman ng mundo ko. Pero ayokong malaman nya. Ayokong malaman nyang sa laki ng lamat ng puso ko kaya ko pa rin syang patawarin. Dapat hindi nya malaman.

Thought # 4

Sana po Lord tuloy tuloy na po.. Through the intercession of St. Anthony, first Tuesday palang.. parang papunta na dun ang pagtupad nyo sa kahilingan ko.

Thought # 3

I thank God for being always there no matter how far I ran away from Him. Talagang lagi Syang may plano at di ako pinababayaan. Salamat din po sa lahat ng taong ginagamit Nyang instrumento sa aking buhay. Isa nalang naman yung sobrang hinihiling ko--gabayan ang mga anak ko palagi lalo na si Jiren ko. Maipanganak ko sana sya nang maayos.

Thought # 2

Ang hirap umasa sa emosyon kasi ambilis nitong magpalit. Biglaan ang pagkagalit, ang pag-iyak sa sobrang lungkot at ang pagtawa sa kasiyahan. Pagkatapos ng lahat, bigla ka nalang makakaramdam ng pagkakulang. Sa totoo lang, di ko na masyado siyang iniisip. O kinukumbinsi ko yung sarili kong di ko na sya iniisip pero ang totoo.. Tuwing tumutunog ang phone ko, umaasa akong sana sya iyon.. Sana sya ang nasa notification ko. Sana naiisip nya ako gaya ng naiisip ko sya. Para akong siraulo. Hindi ko alam kung mahal ko ba talaga sya.. Ang alam ko lang, masaya ako kapag nandyan sya para sa akin. Iba pa rin ang talab nya sa akin sa kabila ng maraming sakit na inabot ko sa kanya. Sa loob ng isang taon, giliw pa rin ako sa kanya. Pero di ako pwedeng siraulo kaya kelangan kong mag- ingat nang maigi.. Kelangan kong protektahan ang aking sarili. Sana wag akong makalimot para kay Jio at kay Jiren.

Thought # 1

Medyo weird na isang public platform ang gamit ko para sa isang private thought. Ayokong may makaalam ng blog kong ito. Sana walang makaalam..  At 8-month pregnant, I decided to be an advocate of those who are trying to end their lives because no one is willing to listen.  Little they all know, I want to die. Sobrang gustong gusto ko nang mamatay for all the frustrations and heartaches I am feeling right now.  At the same time, Gusto ko na magmove forward. Gusto ko nang manganak at magfocus sa mga anak ko. Yun ang gusto kong gawin. Gusto kong magtop sa LET para sa mga magulang ko. I want to redeem and resurrect my self in front of our dear Lord.. Ako yung gustong mamatay pero mas marami pa ang plano kung hindi ako mamatay.. Pero ang hindi ko hahayaan ay dahil sa sakit na binigay ni Erwin sa akin, mamamatay ang pagmamahal ko rin sa pagsusulat.  Pero dahil sa alam nya blogsite ko, kelangan kong mag iba ng bahay.. kaya dito nalang..para bu...